CAGAYAN – Dinakma ng pulilsya ang isang Chinese at Pinoy na kasama nito sa negosyo matapos masamsaman ng P2.5 milyong halaga ng puslit na sigarilyo sa isang bodega sa Santiago City, Isabela, kamakailan.
Kinilala ni Police Regional Office 2 director Brig. Gen. Crizaldo Nieves ang dalawa na sina Fubin Huang, 25, manager, taga- Cauayan City, Isabela at Tonron Ferrer Quejada, 23,binata , Assistant Manager, tubong Lourdes, Cabanatuan City, Nueva Ecija at taga-P-5, Mabini, Santiago City, Isabela.
Sa naantalang report, sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs at pulisya ang TOP warehouse sa Hawkson St., Purok 5, Mabini, Santiago City sa bisa ng Letter of Authority, nitong Hulyo 16 ng umaga.
Kabilang sa kinumpiska ang 81 kahon ng Marvel Filter King at 5 kahon ng Mighty Green fake cigarettes na nagkakahalaga ng P2,580,000.00 na sakay ng Isuzu forward (RMS 697).
Under custody na ng pulisya ang dalawang suspek.
Liezle Basa Iñigo