MAGSASAGAWA ng close door meeting ang Games and Amusements Board (GAB) at opsiyal ng PBA Blackwater Elite management para sa pag-usapan ang isyu sa ilegal na isinagawang ensayo ng koponan kamakailan.
Ayon kay GAB chairman Baham Mitra, hiniling ni Silliman Sy, kinatawan ng Blackwater sa PBA Board of Governors, ang pagpupulong na kagyat naman nilang pinagbigyan.
Nauna rito, sinabi ni Sy na sasagutin ng koponan ang ‘show cause’ order ng GAB.
“We received a call from Mr. Silliman Sy the other day, the member of governors representing Blackwater, saying that his brother was just misquoted and that they have received and will reply to our show cause letter,” pahayag ni Mitra.
Ayon kay Mitra sina GAB commissioner Eduard Trinidad at chief legal counsel Ermar Benitez ang naatasan na makipagpulong sa grupo ni Sy.
Iginiit ni Mitra na itinakda ng GAB ang ‘inquiry’ sa isyu upang mapanbgalagaan ang professional sports, kabilang ang basketball sa gitna nang kinakaharap ng COVID-19 pandemic ng bansa.
“We are just being careful as this might jeopardize the efforts of GAB, PBA and our sports patrons who have done our very best in requesting the IATF permission to practice even during the pandemic,” saimbit ni Mitra.
Matatandaang nagsagawa ng ensayo ang Blackwater Elite na taliwas sa ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force nang payagan nito ang unti-unting pagbabalik ng PBA at Philippine Football League.
Pinatawan ng PBA ng P100,000 fined ang Blackwater matapos aminin ni team owner Dioceldo Sy sa panayam ng Cignal TV’s Sports Page na nagsasagawa nan g ensayo ang koponan bilang paghahanda sa pagbabalik ng liga.
Ipinag-utos din na sumailalim sa COVID-19 testing ang lahat ng players at individwal na kasama sa ensayo at sasalang sa seven-day quarantine.
Nitong Hulyo July 2, 2020, niratipikaha ng IATF sa pamamagitan ng IATF Resolution No. 51, ang GAB-DOH-PSC Joint Administrative Order batay sa sertipikasyon ng Department of Health Technical Working Group.
-Edwin G. Rollon