Naiuwi na sa bansa kahapon ang bangkay ng 88 overseas Filipino workers (OFWs) na nahawa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at iba pang sakit sa Saudi Arabia.

Sa inilabas na ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE), dakong 11:00 ng umaga kahapon nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City via Philippine Airlines flights.

Ayon sa DOLE, sa kabuuang bilang, 45 rito ang namatay sa COVID-19 habang 43 naman sa iba’t ibang sakit at sanhi.

Ang mga namatay sa virus ay agad na ididiretso sa crematorium.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Bago rito,binigyang pagkilala o heroes’ welcome sa Balagbag ramp sa airport para sa mga iniuwing labi ng OFWs mula sa Al Khobar, Jeddah at Riyadh.

Matatandaang naipagpaliban ng pamahalaan ang sa pagpapauwi sa mga labi ng mga ito dahil naantala ang pag-iisyu ng mga kinakailangang dokumento.

-Bella Gamotea