SERIES of tweets ang mababasa sa Twitter ni Angelica Panganiban last Friday na tungkol sa na-deny na franchise renewal ng ABS-CBN at ang kasunod na retrenchment ng employees ng network.

angelica

Sinimulan ni Angelica ang tweet ng “Nanahimik dahil hindi kayang buuin ng salita ang nararamdaman ko. Galit, takot, pangangamba. Ilang buwan nang nag-iisip paano na ang kasamahan namin sa trabaho. Ang pamilya nila. At dumating na ang araw na napakahirap tanggapin.”

Sinundan ng “Serbisyo para sa bayan ang dapat na inuuna ng mambabatas natin. Sa ginawa nila, sarili nila ang inuna nila. Sa totoo lang, hindi po namin responsibilidad ang mga empleyado na nawalan ng trabaho. Pero nandito kami. Nagsasalita, para sa kanila. Bakit? Kasi siguro yun ang makatao.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

May tonong pakiusap ang tweet ni Angelica sa mga masaya sa pagsasara ng ABS-CBN at masaya na marami ang nawalan ng trabaho. “Tratuhin niyo naman kaming mga tao. Kaming lahat na nawalan ng trabaho. Nawalan ng tahanan. Paano niyo kayang sikmurain na pag tawawan ang kapwa ninyo Pilipino na nawalan ng kabuhayan? Pilipino sa kapwa Pilipino na ang naglalaban laban. Tama pa ba’yon?”

“Hindi namin ikakamatay ang masasakit ninyong salit laban sa amin. Pero, ikakamatay ng marami sa kasamahan ko at ng mga pamilya nila ang gutom na mararanasan nila sa mga darating na araw. Tapos na ang panahon para matakot,” tweet pa ni Angelica.

Tinapos ng aktres ang tweet sa isyu ng retrenchment ng “Maya maya na lang ako nakakatanggap ng texts ng mga nakatrabaho ko. Mga nag-alaga sa amin. Napakasakit nito. Napakasakit.”

-Nitz Miralles