ISINARA na ng ABS-CBN ang sports division nito kasunod ng pagtanggi ng Kamara sa botong 70-11 ang aplikasyon ng network na pagkalooban ng panibagong prangkisa nitong Hulyo 10.

Ibinasura ng House committee on legislative franchises sa pamumuno ni Palawan Rep. Franz Alvarez, ang franchise renewal application ng network matapos mapaso ang 25-year franchise nitong Mayo 5.

Ayon kay Dino Laurena, puno ng ABS-CBN Integrated Sports, ititigil ang operasyon ng ilang businesses nito, at magtatanggal ng mga manggagawa simula sa Agosto 31.

Ang ABS-CBN Sports ang nagsilbing “tahanan” ng kilalang top collegiate leagues UAAP at NCAA sa nakalipas na ilang dekada. Bukod sa pagsasahimpapawid ng basketball games, nag-ere rin ito ng iba pang sports, gaya ng volleyball at football sa loob ng maraming taon.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Ito rin ang broadcast partner ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), Premier Volleyball League (PVL), at ONE Championship.

“The final buzzer. So ends this journey… I made the painful announcement to our beloved Sports team today. I’ve been on this road before, and I can assure you, it is not something I will swear even on people I don’t like. It is heart-wrenchingly painful,” saad ni Laurena sa kanyang Facebook.

Ilang sikat na personalidad na nagtrabaho sa ABS-CBN Sports and Action, ang nagpahayag din ng sama ng loob sa social media. Sila ay sina Gretchen Ho at Denise Lazaro, kapwa Ateneo volleyball standouts sa UAAP, at sports broadcaster Migs Bustos.

-Bert de Guzman