Nakatakdang ilunsad ang isang signature campaign ng grupo ng mga abogado na nagpapahintulot sa taumbayan na magpasa ng batas sa pagbibigay ng panibagong prangkisa ng ABS-CBN Corporation.

“We are launching the People’s Initiative for the franchise of ABS-CBN,” ang bahagi ng pahayag ng abogadong si Dino De Leon, ng Free Legal Assistance Group (FLAG) sa kanyang Facebook page, kahapon ng umaga.

Ang nasabing signature drive ay tinawag niyang People’s Initiative forReforms and Movement for Action (PIRMA) Kapamilya.

“We, the People, can directly legislate if our elected representatives do not want to do their jobs. This is real power of the people and by the people,” paglalahad ni De Leon.

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

Isinapubliko ni De Leon ang hakbang matapos tanggihan ng Kamara ang franchise renewal ng nasabing kumpanya.

“We will show them who is boss. They have underestimated the Filipino People — we have dealt with oppression before, and we successfully kicked out despots,” sabi nito.

Kaugnay nito, nanawagan din ang PIRMA Kapamilya sa publiko dahil kailangan nila ang mga volunteer na tutulong sa paglulunsad ng kanilang signature drive.

“Share your time, talent, and treasure now!” sabi ni De Leon.

“We are looking for volunteer signature gatherers, organizers, copy writers, artists, performers, content creators, and others who can contribute meaningfully to our cause!” apela pa ng grupo.

Nitong Hulyo 13, inihayag ni De Leon na ginagawa na ng kanyang grupo ang sample draft ng pagsasabatas.

“Our current Constitution and laws allow us, the Sovereign People, to pass a law directly and to grant ABS-CBN its franchise, pursuant to Republic Act. No. 6735 and its Implementing Rules,” ayon pa kay De Leon.

Nauna nang tinalakay ng law professor na si Enrique dela Cruz ang Republic Act RA 6735 o ang Initiative and Referendum Act, na naging viral sa social media.

Tinawag niya itong “people’s initiative” law, binanggit ni dela Cruz na ang nasabing batas ay ipinasa noong 1989 at pinapayagan nito ang taumbayan na pangunahan ang paggawa ng batas na tatanggihang isabatas ng Kongreso.

Aniya, kinakailangan lamang ng mungkahing batas na pangungunahan ng taumbayan ang pagpayag ng 10 porsiyento ng rehistradong botante at tatlong porsiyento ng registered voters sa bawat legislative district.

Kapag nakuha na ang nasabing bilang, tiniyak ni dela Cruz na ang nasabing people’s initiative ay magiging ganap na batas na hindi mapipigilan ng Kongreso at ng Pangulo.

-Jeffrey G. Damicog