TAYABAS CITY, Quezon – Arestado ang isang pinaghihinalaang rapist ng isang menor-de-edad sa nasabing lungsod, nitong Biyernes ng hapon.

Halos tatlong taong nagtago sa batas ang suspek na si Vincent Real, 33, taga-Bgy. Lalo sa nabanggit na siyudad, ayon kay Colonel Audie Madrideo, director ng Quezon Police Provincial Office (QPPO).

Siya ay nasa No. 3 most wanted person sa lalawigan.

Isinagawa ang pag-aresto batay na rin sa warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Aristole Reyes, ng Regional Trial Court branch 54 sa Lucena City.

Probinsya

Sabunutan ng ilang LGBTQIA+ members at isang babae, sumiklab sa kasagsagan ng Simbang Gabi

Ipinatupad ng Tayabas City Police ang pagdakip sa suspek habang ito ay nasa kanyang bahay.

Si Real ay kinasuhan dahil sa umano’y panggagahasa sa 11-anyos na dalagita na bumili lamang ng candy sa isang tindahan nang abangan nito tatlong taon na ang nakararaan.

-Danny Estacio