Iginiit ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list at House Committee on Energy Vice-Chairman Rep. Jericho Nograles na hindi makalulusot sa Kongreso ang Meralco kaugnay ng usapin sa tripleng pagtaas ng electric bill ng mga consumer nito sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).

Aniya, inatasan na nila ang Meralco na pagkalooban ang House Committee on Energy ng detalyadong paliwanag kaugnay ng kontrobersya.

Binanggit ni Nograles na marami ang nagrereklamo dahil sa naging triple ang babayaran nila sa kuryente sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa pagdinig, sinabi ni Nograles na maraming reklamo ang tinanggap ng Meralco mula sa mga netizen dahil umano sa bigla at nakapagdududang pagtaas ng kanilang electric bills.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Una rito, nagpaliwanag ang Meralco management tungkol sa isyu at sinabing lumakas ang konsumo ng kuryente dahil laging nasa bahay ang consumers at panay ang gamit ng kuryente.

Sinabi rin ng Meralco na handa nilang ipaliwanag ang pangyayari, hindi nila puputulan ng kuryente ang mga consumer, at puwedeng bayaran ang electric bills sa loob ng ilang buwan.

Ayon kay Nograles, bagamat naniniwala siyang talagang tataas ang konsumo ng kuryente sa panahon ng home quarantine, hindi naman siya makapaniwala na magiging triple ang electric bills ng libu-libong consumers.

-Bert de Guzman