Hinikayat ng isang child’s group ang mga indibidwal na makibahagi sa paglikom ng mga pondo para sa mga bata na ang mga pamilya ay naghihirap sa mga epekto ng COVID- 19 sa bansa.

Ang Save the Children Philippines ay naghahanap ng volunteers na maaaring gumawa ng pagkakaiba sa pamamagitan ng pagiging bayani para sa mga bata habang nananatiling ligtas sa bahay.

Para ayudahan ang mga bata mula sa mga maralitang pamilya, may kapansanan, at mga nanganganib na mapag-iiwanan sa eskuwela sa pamamagitan ng pagkakaloob ng innovative learning modalities, ipinatupad ng samahan ang “Project ARAL” (Access to Resources for Alternative Learning) na nagpupuno sa Basic Education Learning and Continuity Plan (BE-LCP) ng Department of Education (DepEd).

Inilunsad ng international child rights organization ang pinakabago nitong kampanya na“Heroes from Home” kung saan inanyayahan ang lahat na makatulong na makalikom ng pondo at magbigay ng pag-asa sa mga mahina, marginalized, at napagkaitan na mga batang Pinoy na nangangailangan ng healthcare, edukasyon, at proteksiyon sa panahon ng COVID-19 pandemic.

'Bantayan seguridad!' Giit ni Roque, VP Sara, dapat mag-ingat dahil sa kaniyang Presidential bid

Para mag-sign up upang maging isang Hero from Home at makatulong sa pagsagip sa buhay ng mga bata, magkakaloob ang Save the Children ng materials para mag-set-up ng inyong SimplyGiving page upang makapagsimula. Maaaring ipadala ang emails para sa mga katanungan at requests sa supportercare.ph@ savethechildren.org.

-Ina Hernando-Malipot