Available na ang mga espesyal na selyo ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) na pagbibigay-pugay sa mga frontliner sa gitna ng nararanasang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

phlpost

Sa pahayag ng PHLPost, ang paglalabas ng special stamps ay may temang “We fight for you, Frontline Heroes, Fighting Against Coronavirus.”

Sa mga makukulay na selyo, makikita ang mga imahe ng doktor, nurse, pulis, sundalo at delivery, supermarket at food personnel, na pawang naka-facemask .

National

Marce, lalo pang lumakas; Signal #1, itinaas sa 14 lugar sa Luzon

Ang mga ito ay disenyo ng in-house graphic artist ng PHLPost na si Rodine Teodoro.

Sinabi ng PHLPost, marapat na kilalanin ang mga “bayani” sa gitna ng giyera kontra COVID-19, at ginawa nila ito sa pamamagitan ng paglalabas ng mga selyo.

Ayon sa PHLPost, nakapag-imprenta sila ng aabot sa 200,000 na piraso ng selyo ng walong frontline heroes.

Ang kada piraso, mabibili sa halagang P12 at kung kukumpletuhin o isang banig, mabibili ito sa halagang P192.

Beth Camia