“Medyo challenging ang New Normal. Pero push!!!

sigrid

#GCQ #day121 #ilovemyjob #actorslife #welovewhatwedo #gmakapuso.” Ito ang post ni Direk Sigrid Andrea Bernardo sa kanyang Facebook page kamakailan.

Tinanong namin ang box-office hit director kung sa GMA 7 na siya dahil base sa mga komento ay binabati siya ng mga Kapuso staff bukod pa sa nasulat ding siya ang nag-direk ng pagbabalik ng Wish Ko Lang na umere nu’ng nakaraang Sabado.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

“Hindi naman po exclusive. Nabigyan Lang ako ng chance to direct ‘yung re-enactment ng relaunching Wish Ko Lang pilot episodes nila. Baka mag continue na siguro sa mga susunod. I’m not sure,” sagot ng direktora.

Parati naming tinatanong kay direk Sigrid kung bakit ayaw niyang magdirek sa telebisyon at lagi niyang sinasabi na mas gusto niyang magdirek sa pelikula.

Nakapagdirek na raw siya noon, “Gumawa na ako ng re-enactment for News and Public Affairs sa GMA. First ko ‘yung sa Case Unclosed ni Kara David Ramon Magsaysay episode tapos nag SOCO re-enactment. Then nag documentary direct ako for Reel Time (GMA rin) dalawang episodes “Dungkoy” and “Tuli”.”

Bakit puro GMA, walang offer ang ABS-CBN, “Hindi ko na actually maalala rin nag offer ABS (CBN). Mukhang hindi. Pelikula ang offer sa akin dun. Sa GMA matagal na nago-offer ng TV series,” saad ng direktora.

Dagdag pa, “Pero hindi ko tinatanggap kasi busy sa pelikula,”

At dahil sa COVID- pandemic kaya hindi pa maumpisahan ni direk Sigrid ang mga pelikulang dapat sana niyang gawin. Kaya itong Wish Ko Lang ang unang proyekto niya.

“Yes, first project ko na pandemic. Oo. Via zoom ako nagdi-direk,” pahayag ni direk Sigrid na aminadong super hirap kaysa sa traditional shooting.

Opo. Mas mahirap kasi lalo na ako, very hands on ako sa artista and gusto ko lagi ako nasa set. Sa normal shoot, hindi ko kaya na nasa tent ako and AD‘yung gumagalaw lang kahit sa commercials.

“So first time ko talaga na wala ako sa set. May pandemic or wala. Pero mas mahirap pa kasi via zoom ako nagdi-direk. Mahina signal, blurred ang image. So very important na trusted ko ang head ng team ko like my assistant director because she’s my voice and ‘yung DOP ko kasi hindi ko masyado makita na sharp ‘yung mga image,” kuwento ni direk Sigrid.

Sabi pa, “‘yung team ko nasa shoot/set mismo. But we do all the pre-prod via zoom. Ang mahirap hindi kasama sa location check ang staff. Location manager lang. So kailangan, i-video or photo ‘yung buong lugar lahat ng angle.”

Bakit nga ba hindi pumupunta si direk Sigrid sa location.

“Hindi ako pumayag. Kasi pandemic pa. Also pumupunta ako lagi sa nanay ko mga Tita ko na mga seniors. If mag-shoot ako, kailangan ko mag-quarantine

And I cannot take that risk for my family and for myself,” katwiran sa amin.

Mas matipid ba ang via zoom app sa tradional shooting.

“Hindi ko alam kung mas matipid parang same lang kasi maraming protocols na dapat sundin,” sagot sa amin ni direk Sigrid.

At habang may pandemic ay sinigurado na ni direk Sigrid na hindi siya tatanggap ng movie project.

“Yes no movies and no BL (Boy’s Love). Parang ang hirap mag-direk ng movie via zoom. Trial muna sa mga reenactment,” paliwanag ng direktora.

-REGGEE BONOAN