PINAGHARIAN ni Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. ang 5th España Chess Club (ECC) Online Bullet Chess Tournament nitong Huwebes sa lichess.org na isang torneo sa pagdiriwang ng ika-68 na kaarawan ni Rosalinda Faeldonia – butihing ina ni España Chess Club President Engr. Ernie Faeldonia.

Nagtapos ng walang bahid na pagkatalo ang 13-time National Open Champion kung saan nakaipon ng 15 puntos sa 14 na panalo at dalawang tabla. Ang palarong ito ay isa ring qualifying event para sa ECC Grand Finals na gaganapin sa buwan ng Disyembre.

Kabilang sa mga nakapasok sa top 10 ay sina National Master (NM) Jasper Rom (2nd), National Master (NM) Julius Sinangote (3rd), Cyrus Nathaniel Calitisin (4th), engineer Joel Hicap (5th, Jeremy Marticio (6th), National Master (NM) Robert Arellano (7th), Jordaine Tupaz (8th), Jan Oriendo (9th) at National Master (NM) Gerardo “Gerry” Cabellon.

Ang mga category winners ay sina National Master (NM) Almario Marlon Bernardino Jr. (Top 2100 below) , Joel Obogne (Top 2000 below), Epifanio Bueno Jr.(Top 1900 below), Felix Duterte (Top 1800 below), National Master (NM) Elwin Retanal (Lucky 16th) at Alberto Andales (Lucky 68th). Muling magpapatuloy ang 6th edition ng España Chess Club Bullet Chess Tournament Online sa Agosto 8, 2020.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!