LONDON (Reuters) - Natuklasan ng British scientists na nag-aanalisa ng datos mula sa widely-used COVID-19 symptom-tracking app na mayroong anim na natatanging uri ng sakit, ang bawat isa ay makikilala sa pamamagitan ng kumpol ng mga sintomas.

Nadiskubre ng isang grupo mula sa King’s College London na ang anim na uri ay nauugnay din sa mga antas ng kalubhaan ng impeksyon, at may posibilidad ng isang pasyente na nangangailangan ng tulong sa paghinga - gaya ng oxygen o ventilator treatment - kapag sila ay naospital.

Ang mga natuklasan ay makakatulong sa mga doktor upang mahulaan kung aling mga pasyente ng COVID-19 ang nanganganib at malamang na nangangailangan ng pangangalaga sa ospital sa hinaharap na bugso ng epidemya.

“If you can predict who these people are at Day Five, you have time to give them support and early interventions such as monitoring blood oxygen and sugar levels, and ensuring they are properly hydrated,” sinabi ni Claire Steves, isang doktor na co-led ng pag-aaral.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Bukod sa pag-ubo, lagnat at pagkawala ng pang-amoy - madalas na napapansin bilang tatlong pangunahing mga sintomas ng COVID-19 - ang app data ay nagpakita sa iba pa kasama na ang pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pagkapagod, pagtatae, pagkalito, pagkawala ng gana sa pagkain at kakapusan ng paghinga. Ang mga kinalabasan ay iba-iba rin; ang ilan ay nagkaroon ng banayad, tulad ng trangkaso o pamamantal habang ang iba pa ay nagdusa ng mga malubhang sintomas o namatay.

Ang pag-aaral, na inilabas online nitongbBiyernes ngunit hindi peer-reviewed ng mga independiyenteng siyentipiko, inilarawan ang anim na mga uri ng COVID-19 bilang:

‘Flu-like’ with no fever: Sakit ng ulo, pagkawala ng pang-amoy, sakit ng kalamnan, ubo, namamagang lalamunan, sakit sa dibdib, walang lagnat.

‘Flu-like’ with fever: Sakit ng ulo, pagkawala ng pang-amoy, ubo, namamagang lalamunan, hoarseness, lagnat, pagkawala ng gana.

Gastrointestinal: Sakit ng ulo, pagkawala ng pang-amoy, pagkawala ng gana, pagtatae, namamagang lalamunan, sakit sa dibdib, walang ubo.

Severe level one, fatigue: Sakit ng ulo, pagkawala ng amoy, ubo, lagnat, hoarseness, sakit sa dibdib, pagkapagod.

‘Severe level two, confusion: Sakit ng ulo, pagkawala ng pang-amoy, pagkawala ng gana, pag-ubo, lagnat, pagkahilo, sakit sa lalamunan, sakit sa dibdib, pagkapagod, pagkalito, sakit sa kalamnan.

‘Severe level three, abdominal and respiratory: Sakit ng ulo, pagkawala ng pang-amoy, pagkawala ng gana, pag-ubo, lagnat, pagkahilo, sakit sa lalamunan, sakit sa dibdib, pagkapagod, pagkalito, sakit sa kalamnan, igsi ng paghinga, pagtatae, sakit sa tiyan.

Ang mga pasyente na may antas na 4,5 at 6 na uri ay mas malamang na ma-admit sa ospital at mas malamang na nangangailangan ng suporta sa paghinga, sinabi ng mga mananaliksik.