TARLAC CITY – Nasa 36 pang katao ang inaresto ng pulisya kaugnay ng ipinatutupad na curfew sa nasabing lungsod sa nakaraang 24 oras.
Sinabi ni Lt. Col. Alex Apolonio, hepe ng Tarlac City Police, an mga dinakip ay mula sa Barangay San Sebastian, Matatalaib, San Nicolas, San Manuel, at San Pablo.
Bukod sa curfew, hindi rin umano nagsusuot ng face mask ang mga ito kaya tinuluyan na silang kasuhan.
Kaugnay nito, binalaan din ng pulisya ang mga residente na manatili na lamang sa bahay kung wala namang mahalagang pupuntahan dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 sa bansa.
Leandro Alborote