Sa patuloy na repatriation efforts ng gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at sa pakikipagtulungan ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA), daan-daang mga Pilipinong nagkaproblema sa Qatar ang napauwi nitong Biyernes.
Ayon sa ulat ng DFA, dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 sa Pasay City ang Philippine Airlines flight PR 685 sakay ang pinakabagong grupo ng repatriates na binubuo ng 312 distressed Overseas Filipinos (OFs).
Agad isinalang ang 312 OFs sa kaukulang medical protocols sa kanilang pagdating na mandato ng Department of Health-Bureau of Quarantine.
Obligado silang sumailalim sa quarantine alinsunod sa omnibus guidelines na itinakda ng Inter-Agency Task Force.
-Bella Gamotea