TALAVERA, Nueva Ecija – Dinampot ng mga kagawad ng Drug Enforcement Unit (DEU) at Phillippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong umano’y tulak ng iligal na droga sa magkakahiwalay na anti-illegal drugs operation sa bayang ito, kamakailan.
Kinilala nina PSSgt. Ranie Santos at PMSgt. Marvin Verde, pawang may hawak ng kaso, ang tatlo na sina Kristopher Dizon, 27, binata, taga-Bgy. Pinagpanaan; Calvin Chester Valenzuela, 33, taga-Bgy. Pag-asa; at Christopher Dizon, 26, taga-San Miguel Na Munti ng nabanggit na bayan.
Nasamsam sa kanila ang hindi pa mabatid na halaga ng illegal drugs at isang motorsiklo.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga ito at nahaharap sa kaukulang kaso.
-Light A. Nolasco