Sa kulungan ang bagsak ng isang magkapatid at kasama nilang kaibigan sa pagtutulak ng ilegal na droga sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Alfredo Bataan Jr. alyas “Jon-Jon”, Ricky Bataan, alyas “Ricky”, at Jeffrey Bascones, alyas “Jepoy”, pawang nasa hustong gulang, at nakatira sa Barangay Tunasan, Muntinlupa City.

Sa ulat na natanggap ng Southern Police District (SPD) mula kay SMS Noel Bulan, may hawak ng kaso, nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Maj Peter Aquino, laban sa tatlong suspek sa Block 7 Lot 1, Phase 2 Saint Agnes, Sto. Niño Village, Bgy. Tunasan sa nasabing lungsod, dakong 8:00 ng gabi.

Hindi nakapalag ang mga suspek nang posasan sila ng mga awtoridad sa gitna ng operasyon.

'Bantayan seguridad!' Giit ni Roque, VP Sara, dapat mag-ingat dahil sa kaniyang Presidential bid

Narekober sa tatlong suspek ang tatlong maliliit na pakete ng hinihinalang shabu at isa pang medium plastic sachet na nasa kabuuang P37,400 ang halaga, at P300 buy-bust money.

-Bella Gamotea