VATICAN CITY (AP) — Sinabi ng Vatican sa mga obispo sa buong mundo nitong Huwebes na dapat nilang isumbong sa mga pulis ang mga kaso ng clergy sex crimes kahit na hindi naman legally bound na gawi ito sa huling pagsisikap na obligahin ang mga lider ng simbahan na protektahan ang mga menor de edad sa mga mapagsamantalang pari.

Inilabas ng Vatican ang matagal hinintay na manual para sa bishops at religious superiors sa pagsasagawa ng in-house investigations sa mga alegasyon ng mga pari na nanggahasa at nangmolestiya sa mga bata at mahihinang adults. Kahit na ang Vatican ay mayroon nang nakalatag na detalyadong canonical norms sa loob ng dalawang dekada, ang mga batas ay patuloy na binabalewala ng ilang obispo, partikular na sa mga umuunlad na bansa at maging sa Catholic strongholds gaya ng Poland.

Kahit na ang manual ay walang puwersa ng bagong batas, tinalakay nito ang higit pa sa kasalukuyang polisiya ng Vatican tungkol sa pakikipagtulungan sa law enforcement agencies, prosecutors at pulisya. Ang polisiyang ito ay inoobliga ang mga obispo at religious superiors na isuplong lamang ang mga alegasyon ng sex crimes sa mga menor kapag inoobliga ito ng batas.

Nakasaad sa manual na: “Even in cases where there is no explicit legal obligation to do so, the ecclesiastical authorities should make a report to the competent civil authorities if this is considered necessary to protect the person involved or other minors from the danger of further criminal acts.”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

At sinasabi rito na ang mga lider ng simbahan ay dapat tumalima sa “legitimate” subpoena requests.

Ang manual, inilabas sa anim na lengguwahe, ay tila target na supilin ang madalas na palusot ng mga obispo at religious superiors na huwag magsagawa ng preliminary investigations sa akusadong pari.

Nilinaw din sa manual na ang mga uri ng krimen sa ilalim ng sexual abuse ay “quite broad” at kinabibilangan hindi lamang ng sexual relations kundi ng anumang physical contact para sa sexual gratification, kabilang ang mga aksyon na madalas isantabi ng mga obispo bilang “boundary violations” lamang. Inilista ng manual ang exhibitionism, masturbation, pornography production at “conversations and/or propositions of a sexual nature” na maaaring mangyari sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan ng komunikasyon bilang mga krimen na dapat imbestigahan.

At nagbabala ito na ang mga obispo mismo ay maaaring parusahan canonically para sa kapabayaan kapag nabigo silang seryosohin ang mga alegasyon at imbestigahan ang mga ito.

Ang manual ay inilathala ng Vatican office na nag-iimbestiga sa priestly sex crimes, ang Congregation for the Doctrine of the Faith, at inilabas sa wikang Italian, French, English, Spanish, Portuguese, Polish at German.