LONDON/OTTAWA (Reuters) — Sinisikap ng hackers na suportado ng Russian state na nakawin ang COVID-19 vaccine at treatment research mula sa academic at pharmaceutical institutions sa buong mundo, sinabi ng National Cyber Security Centre (NCSC) ng Britain, nitong Huwebes.

Sa co-ordinated statement mula sa Britain, United States at Canada iniugnay ang mga pag-atake sa grupong APT29, na kilala rin bilang Cozy Bear, na ayon sa kanila ay kumikilos bilang bahagi ng Russian intelligence services.

“We condemn these despicable attacks against those doing vital work to combat the coronavirus pandemic,” sinabi ni NCSC Director of Operations Paul Chichester.

Sinabi ng cybersecurity researchers na ang APT29 hacking tool ay ginamit laban sa clients na nasa United States, Japan, China at Africa nitong nakaraang taon.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Binanggit ng Russian news agency RIA na sinabi ni spokesman Dmitry Peskov na itinatanggi ng Kremlin ang mga alegasyon ng London, na aniya ay hindi suportado ng tamang ebidensiya.

Sa isang hiwalay na anunsiyo, inakusahan din ng Britain ang “Russian actors” ng pagtatangkang makialam sa 2019 election nito sa pagtangkang magpakalat ng leaked documents sa online. Sinabi ng Russian foreign ministry na ang mga akusasyong ito ay “foggy and contradictory”.

Inaasahang ilalabas ng Britain ang matagal na naantalamg ulat sa Russian influence sa British politics sa susunod na linggo.

Sinabi ng NCSC na patuloy ang mga pag-atake ng grupo at gumagamit ng iba’t ibang tools at techniques, kabilang ang spear-phishing at custom malware.

“APT29 is likely to continue to target organisations involved in COVID-19 vaccine research and development, as they seek to answer additional intelligence questions relating to the pandemic,” saad sa pahayag ng NCSC.

Inilabas din ng U.S. Department of Homeland Security at U.S. Cyber Command ang technical information nitong Huwebes tungkol sa tatlong hacking tools na ginamit ng Russian hackers, na codenamed WELLMAIL, SOREFANG at WELLMESS.