KINUMPIRMA ni Tokyo Olympics- bound Eumir Felix Marcial nitong Huwebes ang pagsampa sa professional boxing sa pangangasiwa ng MP Promotion ni Senator at boxing icon Manny Pacquiao.

KINAMAYAN ni Sen. Manny Pacquiao si Marcial matapos tumanggap ng parangal sa Senado.

KINAMAYAN ni Sen. Manny Pacquiao si Marcial matapos tumanggap ng parangal sa Senado.

Sa isang liham na ipinadala ni Marcial sa media iginiit ng 27-anyos Asian at SEA Games medalist na hindi maapektuhan ang kanyang paglaban sa Tokyo Games sa susunod na taon sa kanyang pagiging professional fighter.

“Nais ko po na iparating sa lahat ang aking desisyon na pumirma ng isang promotional deal sa Manny Pacquiao Promotions.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Napili ko ang MP Promotions dahil sa kanilang 100% support sa aking hangarin na lumaban pa para sa Pilipinas sa mga future SEA Games at Asian Games competitions at maging sa Olympics.

“Sa katunayan, nakasaad sa aking six-year-promotional deal na hindi sila magiging hadlang sa oras na kailanganin ako ng national team.

“Lubos naman ang aking pasasalamat sa mga nakasama ko sa simula pa lamang ng aking boxing career, unang-una po ang aking pamilya sa ABAP sa pangunguna ni President Ricky Vargas, Secretary-general Ed Picson at coaches Romeo Brin, Pat Gaspi, Boy at Roel Velasco, Elmer Pamisa at Ronald Chavez, sports psychologist Marcus Manalo at performance analyst Jeff Pagaduan.

“Sina Atty. Clint Aranas at Atty Jeff Manuel David na nagbigay sa akin ng importanteng advice pagdating sa mga potential tax obligations at business dealings at sina American managers Keith Connolly at Shelly Finkel sa kanilang malaking tiwala sa aking kakayahan.

“Ang aking mga inspirasyon, fiancée na si Princess Galarpe, aking mga mahal na kapatid at mga magulang na sina Carmelita at Eulalio.

“Higit sa lahat, ang mga Filipino sports fans na walang sawa sa pagsuporta sa aking boxing career simula pa nang ako ay maging kauna-unahang Pinoy na manalo ng gold sa World Junior boxing championship noong 2011 sa Kazakhstan.

“Gaya po ng aking naipangako, ibibigay ko ang lahat ng aking makakaya para makuha ang minimithi natin na Olympic gold medal at maging isang boxing world champion ilang taon mula ngayon.

“Muli, maraming salamat at Mabuhay ang atletang Pilipino!”.

-ANNIE ABAD