Pinayagan na ng Inter Agency Task Force ang pagpapapasok sa bansa ng mga dayuhan simula sa Agosto 1.
Ito ang isa sa inaprubahan ng IATF sa ginawang pulong nitong Huwebes ng hapon.
Gayunman, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay para lamang sa mga dayuhan na may long term business sa Pilipinas na simula sa Agosto 1.
Kasabay nito, nagtakda rin ng kondisyon ang IATF bago makapasok sa bansa ang mga foreigner, kabilang dito ay mayroon dapat pinanghahawakang valid at existing visa.
Sa panahon ng pagpasok sa bansa, ibig sabihin ay hindi kasali ang may mga bagong entry visa pa lamang at kailangan din na mapasama sila sa maximum capacity na inbound passenger na papasok sa mga pantalan at data entry dahil uunahing papasukin ang mga Pinoy na uuwi sa bansa.
Kasama rin sa kondisyon ay dapat may na-book nang accredited quarantine facility at COVId-19 testing provider bago pa man bumyahe papuntang Pilipinas.
-Beth Camia