PINAGHARIAN ni International Master (IM) Ricardo “Ricky” de Guzman ang Asian Seniors Zone 3.3 (50 and over) Online Chess Championships matapos magwagi kontra Rudijanto Majella ng Indonesia sa final round nitong Miyerkoles.

Ang importanteng panalo ay naghatid kay De Guzman sa pagtala ng 6.0 points, iskor ding naitala nina Grandmaster (GM) Rogelio “Joey” Antonio Jr. at National Master (NM) Rudy Ibanez na kanyang dinaig via tie break points.

Ayon kay Atty. Cliburn Anthony Orbe, executive director ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) under ng leadership ni chairman/president Rep. Prospero “Butch” Arreza Pichay Jr. kung saan ang top three winners ang kakatawan sa Zone 3.3 sa finals na nakatakda sa Hulyo 21.

Ang dating solo leader na si Antonio ay nabigo na makopo ang korona matapos makipaghatiaan ng puntos kay International Master (IM) Dede Lioe ng Indonesia at magkasya sa second place.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Si Ibanez, head coach ng Arellano University chess team ang gumiba naman kay Soi-Hock Lee ng Malaysia tungo sa over-all 3rd.

Bida din si National Master (NM) Jonathan Tan na may 5.0 points para sa fifth place at pagkumpleto sa Filipino domination.

Ang iba pang Pinoy woodpushers na lumahok ay sina IM Chito Garma (8th place), NM Rolzon Roullo (10th), James Infiesto (13th), engineer Joel Hicap (16th), AGM/Dr. Alfredo “Fred” Paez (17th), Nunilon Fulo III (18th), AIM Emmanuel Asi (24th), Jimmy Dano (25th), Jimmy Sigaya (27th), NM Mario Mangubat (29th), Joselito Asi (30th), Joselito Cada (31st), Father Vic Arellano (34th), IM Angelo Young (37th), Danilo Reyes (38th), Atty. Jose “Jong” Guevarra Jr. (39th), Felix Duterte (44th), Augusto Marcial (46th), NM Alexander Lupian (47th), IM Emmanuel Senador (48th) at AIM Martin “Binky” Gaticales (49th