Isang bagong feature sa website ng Korte Suprema ang inilunsad para magbigay ng impormasyon hinggil sa quarantine status ng mga korte sa buong bansa.
Inilunsad ito ng Supreme Court sa gitna na rin ng banta ng coronavirus disease 2019 na maging ang mga tauhan ng ilang mga korte ay tinatamaan na rin ng nasabing karamdaman.
Ayon sa SC Public Information Office, makikita sa bagong feature sa website ang mga physically-closed o pansamantalang hindi operational dahil isinailalim sa lockdown kaya naka- 14-day quarantine matapos may mga court personnel na nagpositibo sa Covid 19.
Makikita rin sa website ang duration kung gaano katagal ang lockdown.
Bagamat sarado ang ilang mga korte ay patuloy naman sa kanilang trabaho remotely at maari silang makaugnayan sa pamamagitan ng kanilang mga hotlines at mga email.
Dagdag pa ng SC PIO, ang mga impormasyon sa website ay batay sa mga memorandun opisyal na natatanggap ng SC PiO mula office of the court administrator at mga lower courts.
-Beth Camia