NAKIPAGPULONG si Philippine Secretary of Foreign Affairs Teodoro Locsin Jr. kay China Foreign Minister Wang Yi sa pamamagitan ng teleconferencing nitong Martes, Hulyo 14, at sa pagtatapos nito ay idineklara nila ang nagpapatuloy na isyu sa karagatan ay hindi ang kabuuan ng relasyong Philippines-China at ang “both sides will continue to manage issues of concern and promote maritime cooperation in friendly consultation.”
Dalawang araw bago nito, nagsalita si Secretary Locsin sa anibersaryo ng desisyon ng Arbitral Court sa The Hague noong Hulyo 12, 2016, kung saan nanalo ang Pilipinas sa asunto kaugnay sa pang-aangkin China sa South China Sea. Sumagot ang Chinese Embassy sa Manila, kapansin-pansin ang hindi pagkakasundo sa relasyong Philippines-China, ngunit mabilis na muling tiniyak ni presidential spokesman Harry Roque ang mainit na relasyon ng Pilipinas China, isinasantabi ang mga hindi nila pagkakaunawaan kabilang na ang territorial dispute.
Nitong mga nakaraang araw, nagkaroon ng mga pagsisikap ang ilang partido para
pukawin ang pagtatalo sa ilang bansa kaugnay sa iba’t ibang parte ng South China Sea. Ang mga bansang ASEAN at ang China ay nagkasundo na magbalangkas ng “Code of Conduct” para ayusin ang kanilang mga pagkakaiba-iba. Samantala, nagpadala ang United States ng mga barkong pandigma sa lugar, na iginiit ang nternational freedom of navigation.
Nagkasundo ang Pilipinas at China – ayon kay Secretary Roque – na “we will proceed with what we can continue with our friendship with China, like matters on economic and trade relations” at “we will set aside other things that we do not agree on, including the territorial dispute.”
Sa ngayon, marami ang isinasagawa sa ugnayang pang-ekonomiya ng Pilipinas sa China, kabilang ang isang proyekto ng patubig sa Cordilleras, dalawang donated bridges sa Binondo at Makati, isang Philippine-Sino Center for Agricultural Technology-Technical Cooperation Program sa Central Luzon State University (CLSU), at isang 60-40 joint venture na pumapabor sa Pilipinas sa oil and gas exploration at development project sa South China Sea.
Muling sinuri ninChinese Ambassador Huang Xilian ang mga proyekto via teleconferencing, kabilang na ang mga pagbisita sa Cordilleras project, paggawa sa dalawang tulay sa Pasig River, at ang agricultural technology program sa CLSU.
Nagpatuloy ang relasyong Pilipinas-China sa kabila ng hindi pagkakasundo sa ilang mga isyu, tungo sa isang pandaigdigang pangarap na “Community of Shared Future for Humanity,” sa mga salita ng Chinese leader na minsan ay binigyang diin na “mankind has only one earth to live on, and countries have only one world to share.”
Patuloy tayong magkakaroon ng mga pagkakaiba sa China, tulad ng ating hindi pagkakasundo kaugnay sa South China Sea, ngunit ipinunto ng mga opisyal ng dalawang nasyon nitong linggo na ang pagtatalo sa karagatan ay hindi ang kabuuan ng relasyong Philippines-China at ang magkabilang panig ay magpapatuloy na pamahalaan ang anumang mga pagkakaiba sa magiliw na konsulta.