Pansamantalang isinara ang Caloocan City Medical Center (CCMC)-South nang magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang apat na medical staff nito kahapon.

Ayon sa City government, hindi muna tatanggap ng pasyente ang nasabing pagamutan, mula kahapon.

Pinayuhan nito ang publiko na inaasahang magbabalik ang operasyon ng ospital sa Hulyo 23.

Sa pahayag ng pamahalaan ng lungsod, kabilang sa apat na staff ang dalawang nurse at dalawang medical technologist na pinaghihinalaang nahawa sa kanilang pasyenteng dinapuan ng virus.

National

Sen. Robin, pumalit kay Sen. Bato sa Blue Ribbon Committee!

Sa ngayon ay naka-quarantine na ang apat habang tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng contact tracing upang mapigilan ang pagkalat nito.

Tiniyak naman ng ospital na patuloy na gagamutin ang mga pasyenteng naka-admit na, habang diretso rin ang serbisyo ng Out Patient Department na nakabase sa ngayon sa Old City Hall Plaza.

-Orly L. Barcala