Patung-patong na paglabag ang kinakaharap ng dalawang Chinese matapos lumabag sa ordinansa sa Makati City, nitong Huwebes.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 11332 Section 9 (b), City Ordinance 2020-089 (no face mask), Article 151 ng Revised Penal Code (Disobedience) at Executive Order No.11 (curfew) ang mga inarestong Chinese na sina Qui Yi,30, taga-40F Philamlife Tower, 8767 Paseo De Roxas Street, Barangay Bel-Air, Makati City at Li Wen Bin,31, taga-Ayala Malls Circuit Corporate Tower, Bgy. Olympia sa nasabing lungsod.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), ang insidente ay naganap sa Salamanca St., Bgy. Poblacion, dakong 1:00 ng madaling araw.

Sa inisyal na imbestigasyon,nagroronda ang mga tanod sa lugar nang mamataan ang dalawang suspek na walang suot na face mask.

Politics

FPRRD, muling iginiit na ipina-kidnap siya ni PBBM papuntang The Hague

Sa halip na makipagtulungan, naging arogante umano ang dalawa at pinagmumura ang mga pulis kaya dinampot ang mga ito.

Bella Gamotea