PARIS (AFP) - Bumaba ang bilang ng mga bata sa buong mundo na nakakakuha ng life-saving vaccinations ngayong taon dahil sa coronavirus pandemic, babala ng World Health Organization at ng UNICEF nitong Miyerkules.

Ang unang apat na buwan ng 2020 ay nasaksihan ang “substantial drop” sa completion ng three-dose jab na nagpoprotekta laban sa diphtheria, tetanus at whooping cough -- ang unang pagbaba sa loob ng 28 taon.

“Vaccines are one of the most powerful tools in the history of public health, and more children are now being immunised than every before,” sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Ngunit sinabi niya na inilagay ng pandemic sa panganib ang mga natamong ito.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“The avoidable suffering and death caused by children missing out on routine immunisations could be far greater than COVID-19 itself,” aniya sa isang pahayag.

Sa panahon ng pandemic crisis halos 30 measles vaccination campaigns ang nakansela o nanganib, sinabi ng dalawang UN agencies sa isang joint statement.

Sa huling tala nitong Mayo, naputol ng

pandemya ang immunisation programmes sa three-quarters ng mahigit 80 bansa na sumasagot sa UN survey na isinagawa katuwang ang US Centres for Disease Control.

Kabilang sa mga ibinigay na dahilan ng pagbagal sa immunisations ang pag-aatubiling umalis ng bahay, problema sa transportasyon, kahirapan sa buhay, mga paghihigpit sa paggalaw o takot na ma-expose sa virus.

“COVID-19 has made previously routine vaccination a daunting challenge,” sinabi ni UNICEF Executive Director Henriette Fore. “We must prevent a further deterioration in vaccine coverage ... before children’s lives are threatened by other diseases.

“We cannot trade one health crisis for another.”

Nahihinto na ang progress sa immunisation coverage bago tumama ang novel new coronavirus, sinabi ng UN agencies.

Ang malaria at diphtheria, tetanus at whopping cough jab -- kilala bilang DTP3 -- ay naabot ang halos 85 porsiyento ng target age group sa buong mundo.

“The likelihood that a child born today will be fully vaccinated with all the globally recommended vaccines by the time she reaches the age of five is less than 20 percent,” sinabi nila sa pahayag.

Noong 2019, may 14 milyong kabataan ang hindi nakatanggap ng life-saving vaccines.

Two-thirds sa kanila ay nasa 10 mga bansa: Angola, Brazil, DR Congo, Ethiopia, India, Indonesia, Mexico, Nigeria, Pakistan, at Philippines.

Sa Latin America at Caribbean, bumaba ang historically high rates ng vaccination, iniulat ng UN.

Sa Brazil, Bolivia, Haiti atbVenezuela, bumagsak ang immunisation coverage ng halos 14 porsiyento sa nakalipas na dekada.