NAGDULOT ng lahat ng uri ng negatibo v epekto ang coronavirus sa lahat ng mga bansa sa mundob – lalo na sa kalusugan at ekonomiya kapwa ng mga nasyon at ng mga pamilya. Nitong unang bahagi ng linggo, iniulat ng isang international organization – ang Save the Children, na aktibo sa Pilipinas – na ang isang masamang epekto ng pandemya ay mayroong 10 bilyong kabataan sa buong mundo ang maaaring hindi na makabalik sa eskuwelahan.
Simula nitong Abril, 1.6 bilyong kabataan ang hindi na nakapasok sa paaralan dahil sa mga hakbang na ipinatupad ng kanilang mga pahalaan para masugpo ang COVID-19, sinabi ng Save the Children, binanggit ang datos ng UNESCO. Ito ay halos 90 porsiyento ng kabuuang student population ng mundo.
“For the first time in history, an entire generation of children globally had their education disrupted,” sinabi ni Save our Education Executive Director Inger Ashing. Maraming kabataan ang inobligang magtrabaho at maraming batang babae ang pinuwersang mag-asawa para makatulong na matustusan ang kanilang mga pamilya, halos 10 milyon sa kabataang ito ay maaaring hindi na makababalik sa eskuwela, aniya.
“We are at risk of unparalleled budget cuts which will see existing inequality explode between the rich and the poor, and between boys and girls…We know the poorest, most marginalized children who were already the farthest behind have suffered the greatest loss, with no access to distance learning – or any kind of education – for half an academic year.”
Inilista sa ulat ang 12 bansa kung saan higit na nanganganib ang kabataan. Siya ang nasa Africa – Niger, Mali, Chad, Liberia, Nigeria, Senegal, Ivory Coast, Guinea, atbMauritania. Isa ang nasa Middle East – Yemen. Dalawa sa Asia –Afghanistan at Pakistan.
Ang Pilipinas ay mayroong sariling problema sa kanyang educational system dahil sa pandemic. Mapalad tayo na ilang linggo na lamang ang nalalabi sa nakaraang school year, kayat ang ating mga paaralan ay mabilis na nakagawa ng adjustments, kabilang ang pagdaos ng virtual graduation ceremonies.
Para sa incoming school year 2020-21, ipinahayag ng Department of Education na nakapagpatala na ito ngayon ng mahigit 19.5 milyon – 19,534,836 para sa kindergarten hanggang Grade 12. Sa kabuuang bilang na ito, 18,543,788 ay nasa public schools habang 968,154 ay nasa private schools.
Ngunit ang bilang na ito ng enrollees para sa school year 2020-21 ay halos 80 porsiyento lamang ng 27 milyong eatudyante ng nakaraang school year. Mayroong pitong milyong estudyante na ang kanilang mga pamilya ay piniling ipagpaliban ang school year na ito dahil sa mga panganib sa kalusugan na banta ng COVID-19 at posibleng sa economic reasons kaugnay sa pagkawala ng mga trabaho dahil sa mga lockdowns.
Marahil ang ating problema ngayong school year ay hindi kasinlaki ng sa 12 bansa na inilista ng Save Our Education, ngunit ito ay mabigat din. Mangangailangan ito ng malaking budgets na ngayon ay nahihirapan ang gobyerno na malikom dahilan sa mga pagkalugi na idinulot ng pagsara ng mga negosyo at pagbuhos ng milyun-milyong pondo sa ayuda ng pamahalaan para sa milyun-milyong nawalan ng kita dahil sa mga lockdown.
Ang epekto sa edukasyon dito at sa buong mundo ay lalong lumalaki habang sinisikap ng mga bamsa na matugunan ang marami pang mga suliranin kaugnay sa muling pagbubukas ng klase ngayong school year. Kailangang magtiwala tayo na ang ating education officials ay kakayanin ang kritikal na gawaing ito.