SA kabila ng walong petisyon na nananawagan sa Korte Suprema na ideklarang ilegal ang Anti-Terrorism Law, ilang sektor ang duda na ang kautusan, kahit pa naitama na ang mga depekto nito, ay maayos na maipatutupad ni Pangulong Duterte, lalo na kung titingnan ang relasyon nito sa New People’s Army (NPA).
Upang mapahupa ang lumalawak na pagtutol sa kontrobersiyal na batas, sinubukang pakalmahin ng Pangulo, sa pamamagitan ng televised address, ang publiko sa pagsasabing: “For the law-abiding citizen of this country, I am addressing you with all sincerity, do not be afraid if you are not a terrorist.”
Sa kabila nito, ilang sektor ang hindi nakalilimot sa naging deklarasyon ni Duterte sa Davao Trade Expo 2013, na binigyang-diin ang pagbabayad ng ‘revolutionary tax’ sa mga naghihimagsik. Isang taon makalipas, matapos ang mapaminsalang epekto ng of super-typhoon ‘Pablo,’ lantaran niyang isiniwalat sa mga mamamahayag na nagbibigay siya sa NPA ng nasa P125 milyon kada taon bilang revolutionary taxes.
Bagamat mabilis namang nilinaw ng Pangulo na ang salapi ay hindi nagmula sa buwis na kita ng pamahalaan ngunit mula sa mga pribadong donasyon, ang kanyang pahayag ay nagsasabing: “I cannot put [revolutionary tax] to a stop. So, factor that in your investments. If you pay to the BIR (Bureau of Internal Revenue), you prepare also for the NPA.”
Kung pagpaparisin, ang insidenteng ito ay nangyari noong si Duterte ay mayor pa lamang. Ngayon, bilang pangulo, ipinapalagay ng ilan na ang hangarin ng administrasyon sa anti-terror law ay para sa interes ng mga Pilipino, kahit pa may pagkakataong nagbibigay rin ito ng ibang senyales.
Siyempre, ang batas, gaano man ito kaayos, ay maaaring lamunin ng sitwasyon. Ang mga kautusang epektibo noon ay maaari subukin ng mga bagong pagbabago kayat kailangan ang pagpapakilala ng mga bagong probisyon upang makasabay ang batas sa mga bagong interpretasyon.
Ang anti-terror law, ay walang pagdududang para sa intensiyong mapigil ang 50-taon nang kaguluhan na dulot ng panghihimagsik at terorismo. Salik din sa bagong kautusang ito ang economic agenda na makalikha ng matatag at buhay na kapaligirang malaya sa anumang uri ng extremism. Sa pagmamadali ng bansa na makarating sa isang bagong industriyal na nasyon, ang mga balakid na banta sa kapayapaan at kaayusan kapag nawakasan ay tiyak na mag reresulta sa pagpasok ng mga mamumuhunan.
Upang pahupain ang galit ng publiko at mabasawasan ang pagkalat ng pangamba na ang anti-terrorism law ay babangga sa karapatang pantao, mahalaga ang desisyon ng pinakamataas na korte sa petisyon, sa pagbibigay ng parametrong magagamit ng pamahalaan sa pagpapatupad ng batas.
Ang pagtapos sa pananakop at pagpigil sa terorismo ay hindi madaling hakbang. Ngunit ang tugunan ito, kailangan ng Estado ang mahigpit na aksiyon, habang ang mga tao na naniniwala sa magandang hangarin ng pamahalaan, ay maging bukas sa mas mahigpit sa regulasyon sa bansa upang makamit ang pambasang istabilidad.
-Johnny Dayang