PINURI ng netizens si Gloc-9 na habang hindi pa normal ang takbo ng buhay dahil sa COVID-19 at habang hindi pa muling sumisigla ang music industry na parte ng entertainment industry at sa halip na magmukmok at hintayin na sumigla ang music industry, piniling mag-online selling.

gloc9

Ang daming binebenta ni Gloc-9 online, mula sa fried chicken na tinawag niyang “Fried Chicken ni Gloc-9, nagbebenta rin siya ng biko, menudo, puto’t dinuguan, bopis, jerseys at marami pang iba. Naka-post sa Instagram ni Gloc-9 ang mga ibinebenta niya, ang presyo at kung paano umorder, just visit his IG.

Nakuwento ni Gloc-9 na may nagsabi sa kanyang hindi bagay na nagbebenta siya g kung anu-ano dahil sikat siyang rapper.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sinagot ni Gloc-9 ang nagtanong ng “Tol, wala namang masama siguro doon ‘di ba? At alam mo ba na kasama sa trabaho ko noon bago ako mag-rap ay maglinis ng basurahan, kubeta at kanal?’ Tandaan niyo mga kababayan, iba na ang panahon natin ngayon. Kailangan nating lumaban para mabuhay para sa mga mahal natin. Wala kang dapat ikahiya kung ang trabaho mo ay marangal at wala kang tinatapakang kapwa mo. Kaya natin ito!”

Samantala, siguradong masaya si Gloc-9 dahil ang latest collaboration nila ni Julie Anne San Jose na Bahaghari ay mabilis nanguna sa music charts at trending sa iba’t ibang streaming platforms.

Maaaring i-download at pakinggan ang “Bahaghari” sa digital stores worldwide.

-Nitz Miralles