TILA marami ang hindi happy sa prangkisa ng dating Hapee team sa Philippine Basketball Association (PBA).

Isa na rito si Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na nagpadala ng sulat sa pamunuan ng Hapee (ngayon ay Blackwater Elite) upang pagpaliwanagin ang management kung bakit hindi sila dapat patawan ng suspensiyon  dahil sa direktang paglabag sa itinatadhana ng Inter-Agency Task Force (IATF).

MITRA

MITRA

“Blackwater violated the omnibus guidelines of the IATF on safety protocols,” pahayag ni Mitra

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

"The joint administrative order of GAB, PSC (Philippine Sports Commission) and DOH (Department of Health), plus the IATF resolution has not yet come out, and they violated the restrictions," sambit ni Mitra sa sulat na may petsang Hulyo 16, 2020.

Ayon kay Mitra, nakababahala ang ginawang aksiyon ng Blackwater squad kung kaya’t marapat na pagpaliwanagin ang may-ari nito na si Silliman Sy.

Matatandaang nagsagawa ng ensayo ang Elite Team nitong weekend bilang paghahanda sa posibleng pagbubukas ng PBA sa susunod na buwan. Ngunit, ang tanging pinapayagan ng IATF ay ang ensayo ng bawat koponan na may limitadong bilang na lima.

“Kami ang lead agency na naki-usap sa IATF kaya responsibilidad namin sila,” sambit ni Mitra.

Pinaalalahan na rin ni PBA commissioner Willie Marcial si Blackwater team owner Dioceldo Sy para magpaliwanag.

"Sinulatan ko si Mr. Silliman (Sy)," sambit ni Marcial.

"Binigyan natin ng letter, hinihintay ko lang ang sagot. Siguro, within this week, magbibigay ng sagot. Gusto lang nating maliwanagan," aniya.

Kalaunan, pinatawan ng PBA ng P100,000 multa ang Blackwater at isasailalim sa imbestigasyon ang naging pahayag ng Blackwater management hingil sa planong pagbenta ng prangkisa bilang ganting aksiyon sa pagkadismaya sa PBA at GAB.  Edwin Rollon