Pinag-aaralan na ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng face-to-face classes sa mga low risk area basta maipatupad nang husto ang minimum health standards.

Iginiit DepEd Secretary Leonor Briones, marami na siyang natatanggap na panukalang kaugnay ng usapin.

“Dumadami ang proposals na i-allow sa low risk areas pero hindi ibig sabihin ay papasok araw-araw at hindi kailangan sa isang buong linggo,” aniya.

Kabilang aniya ang usapin sa tinalakay sa pakikipagpulong ng mga miyembro ng Gabinete kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules ng gabi.

Probinsya

Binatilyong hiniwalayan umano ng jowa, nagpatiwakal!

“Na-bring up namin itong proposals at suggestions na ito at sa tingin namin, sa mga tinatawag natin na ‘low risk areas’ pwede sigurong payagan natin yung ‘limited’ - hindi yung araw-araw talaga na nandoon ‘yung mga bata-na face-to-face pero may mga kondisyones,” sabi ni Briones.

Binigyang-diin nito, ang mga paaralan lamang na nakasunod sa requirements ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng DepEd ang pinapayagang magsagawa ng limited face-to-face classes.

“Hindi basta-basta o automatic kasi kahit niluwagan na natin ‘yung requirements na ‘yan, hindi ibig sabihin na lahat na may low risk assessment pwede na,” sabi pa ng kalilhim.

-Merlina Hernando-Malipot