WASHINGTON (AP) — Diretsahang ibinasura ng administrasyon ni President Donald Trump ang halos lahat ng mga pang-aangkin ng Beijing sa South China Sea.
Sa dating U.S. policy, iginigiit na ang maritime disputes sa pagitan ng China at mas maliliit nitong katabing bansa ay kailangang mapayapang resolbahin sa pamamagitan
Ngunit sa isang pahayag na inilabas nitong Lunes, sinabi ni Secretary of State Mike Pompeo na itinuturing na ngayon ng U.S. na illegitimate ang halos lahat ng Chinese maritime claims sa labas ng internationally recognized waters.
Hindi kasama sa pagbabago ng pananaw ang mga iringan kaugnay sa land features na above sea level, na itinuturing na “territorial” in nature.
“The world will not allow Beijing to treat the South China Sea as its maritime empire,” sinabi Pompeo. “America stands with our Southeast Asian allies and partners in protecting their sovereign rights to offshore resources, consistent with their rights and obligations under international law. We stand with the international community in defense of freedom of the seas and respect for sovereignty and reject any push to impose ‘might makes right’ in the South China Sea or the wider region.”
Kahit na mananatiling neutral ang U.S. sa territorial disputes, ang anunsiyo ay nangangahulugan na pinapanigan ng administrasyon ang Brunei, Indonesia, Malaysia, Philippines at Vietnam, na lahat ay kumokontra sa pag-aasinta ng Chinese sa sovereignty sa maritime areas na nakapaligid sa mga pinag-aagawang islands, reefs at shoals.
“There are clear cases where (China) is claiming sovereignty over areas that no country can lawfully claim,” sinabi ng State Department sa isang fact sheet na kasama ng pahayag.
Ang anunsiyo ay inilabas isang araw bago ang ikaapat na anibersaryo ngbinding decision ng isang arbitration panel pabor sa Philippines na ibinasura ang pag-aangkin ng China sa karagatan sa paligid ng Spratly Islands at mga katabing breefs at shoals.
Tumanggi ang China na kilalanin ang desisyon na binansagan nitong “sham,” at hindi nakilahok sa arbitration proceedings. Patuloy nitong sinuway ang desisyon sa mga agresibong aksiyon at nakakairingan sa teritoryo ang Vietnam, Philippines at Malaysia nitong mga nakaraang taon.
Gayunman, resulta nito, sinabi ng U.S. na ang China ay walang valid maritime claims para mangisda sa fish- and potentially energy-rich Scarborough Reef, Mischief Reef obSecond Thomas Shoal. Paulit-ulit na sinabi ng U.S. na ang nasabing mga lugar ay dapat ituring na mga bahagi ng Pilipinas at sakop ng U.S.- Philippines mutual defense treaty sakaling atakehin ang mga ito.
Bukod sa pagdidiin ng suporta sa desisyong ito, sinabi ni Pompeo na hindi maaaring legal na angkinin ng China ang James Shoal malapit sa Malaysia, mga bahagi ng tubig sa paligid ng Vanguard Bank sa Vietnam, ang Luconia Shoals malapit sa Brunei at Natuna Besar sa Indonesia. Kaugnay nito, sinabi ng U.S. na ituturing nito na unlawful ang anumang Chinese harassment sa mga bangkang pangisda o oil exploration sa mga lugar na ito.
Inaangkin ng China ang halos buong South China Sea at palaging nagpoprotesta sa anumang aksyon ng U.S. military sa rehiyon. Lima pang ibang gobyerno ang may kanya-kanya ring inaangking parte sa karagatan, na dinaraanan ng halos $5 trilyong kalakal sa barko bawat taon.