ROME (AP) — Sinabi ng United Nations na ang bilang ng magugutom sa mundo ay tumaas ng 10 million nitong nakaraang taon at nagbabala na ang coronavirus pandemic ay maaaring itulak ang aabot sa 130 milyon pang katao sa chronic hunger ngayong taon.
Ang madilim na assessment ay nakapaloob sa latest edition ng State of Food Security and Nutrition in the World, isang annual report na inilabas nitong Lunes ng limang U.N. agencies na nag-produce dito.
Ang preliminary projections batay sa available global economic outlooks ay nagsusuhestyon na ang pandemic “may add an additional 83 (million) to 132 million people to the ranks of the undernourished in 2020,” nakasaad sa ulat.
Lalo pang nagpalala sa sitwasyon ang inilarawan ng mga may-akda na “unprecedented Desert Locust outbreaks” sa Eastern Africa.
Tinaya ng ahensiya na U.N. agencies ay halos 690 million katao, o 9% ng populasyon ng mundo, ang nagutom nitong nakaraang taob, tumaas ng 10 milyon simula noong 2018 ng halos 60 milyon simula 2014.
Binanggit ng ulat na matapos ang tuloy-tuloy na pagbaba sa loob ng maraming dekada, ang chronic hunger “slowly began to rise in 2014 and continues to do so.”
Sa larangan ng mga bilang, ang Asia ay tahanan ng pinakamalaking bilang ng undernourished na mga tao, na tinatayang nasa 381 milyon, sinabi sa ulat. Ang Africa ang may pinakamalaking percentage ng populasyon, natuklasan ngv U.N. researchers, na may halos 20% ng mamamayan ng kontinente ay undernourished. Ito ay kumpara sa 8.3% sa Asia at 7.4% sa Latin America at sa Caribbean, ayon sa ulat.
Sa paghinto ng progreso sa paglaban sa gutom bago pa man ang pandemic, sinabi ng mgamay-akda ng ulat na ang COVID-19 “is intensifying the vulnerabilities and inadequacies of global food systems” — na ayon sa ulat ay tulad ng lahat ng mga aktibidad at mga proseso na nakaaapekto sa production, distribution at consumption ng pagkain.
Sinabi ng U.N. agencies na “staggering” 3 bilyon katao o mahigit pa ang hindi kayang bumili ng pagkain na kailangan para sa healthy diet.
Marami pa ang kailangang gawin, kabilang ang “ensuring all people’s access not only to food, but to nutritious foods that make up a healthy diet,” anila.