“MALDITA pala itong si (pangalan ng dalagitang aktres). Binu-bully si (batang aktres) sa social media,” ito ang pahayag ng production staff sa amin ng isang network.

Hindi kasi namin kilala ng personal ang dalagitang aktres na sinabihang bully kaya tsinek namin ang kanyang social media account kung saan niya pinost ang pang-aasar niya sa batang aktres at oo nga, pasimpleng pangungutya.

Ang batang aktres ay mabait, magalang sa mga aka-trabaho at maayos na nagta-trabaho bagay sigurong kinaiinisan ng dalagitang aktres dahil marami ang natutuwa sa una.

Magkasama sa isang teleserye ang bata at dalagitang aktres at maraming nakakakita ang ginagawang pangde-dedma ng huli sa una. Napapailing ang mga senior stars, ayon sa taga-production.

Probinsya

Binatilyong hiniwalayan umano ng jowa, nagpatiwakal!

Pilit na nagre-reach out ang batang aktres sa dalagitang aktres dahil nga madalas silang magka-eksena pero dedma pa rin kaya hinayaan na lang.

Nitong nakaraang lockdown ay maraming pino-post si batang aktres na may mahigit na 1M followers ng mga natatanggap niyang produkto at pinasasalamatan niya ang mga ito.

Kinontra at may mga parinig naman si dalagitang aktres na mas marami ang followers kaysa sa batang aktres na hindi binanggit ang pangalan pero halata naman kung sino ang pinatatamaan.

Bakit ba bully at may attitude si (dalagitang aktres) tanong namin sa kausap naming taga production.

“Malakas kasi sa mga boss, favorite kasi siya, nagbida siya sa isang serye, okay naman ang result, so siguro doon, pero nakagalitan ‘yan ng EP dati kasi kinailangang i-pack up ang shoot kasi maysakit daw siya. So okay naman.

“Tapos 2nd time, ganu’n ulit ang sabi, kesyo may masakit, hindi na pinalampas ng EP kasi malaki ang gastos pag na-pack up hindi naman puwedeng wala siya sa eksena kasi kasama siya lagi,” kuwento tungkol sa dalagitang aktres.

At dahil nakita na ng ugali off cam ng dalagitang aktres ay nagsalita ang isang beteranang aktres na ayaw na niyang maka-work ulit. Pero kung hindi maiiwasan dahil nga sikat ang naga-attitude na bagets, ay sisiguraduhin daw na magtitino ito sa next project or else.

The who ang dalagitang aktres, hindi siya maganda para sa amin, pero tisay siya at halata sa aura na maldita nga.

-Reggee Bonoan