Ni Annie Abad

LAGLAG sa bitag ng Philippine Sports Commission (PSC) ang grupo na nagsasagawa ng ‘payroll padding’ ng mga miyembro ng National Team na nasa pangangasiwa ng ahensiya.

Ayon kayOfficer-In-Charge Commisioner Ramon Fernandez isang empleyado ng PSC ang kasalukuyang nasa pangangalaga ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa mas malalim na imbestigasyon at matukoy ang iba pang sangkot sa nasabing anumalya.

fernandez

'Impeach Sara!' Ilang progresibong grupo nagkilos protesta sa harap ng Kamara

Sa talaan ng PSC, tumatanggap ng hindi lalagpas sa P60,000 at hindi bababa sa P20,000 ang buwanang allowances na nakukuha ng mga miyembro ng Elite athletes at mga national training and developmental pool.

Sa inisyal na impormasyon, pinepeke ng grupo ang pangalan at pirma ng umano’y atleta at coach para makakuha ng allowances sa ahensiya.

Ayon kay Fernandez, kaagad niyang hiningi ang tulong ng NBI para sa naturang anomalya.

"We have sought the help of the National Bureau of Investigation on the matter so we cannot comment further.  Suffice it to say that there were red-flags which alerted us, and so we acted accordingly.  We hope that we can get to the truth and bring the accountable to justice swiftly.  The PSC will never waiver in its duty to protect the interest of its stakeholders and the Filipino people,” pahayag ng dating PBA four-time MVP at basketball living legend.