MARAMING sports events na maasahan ang Pinoy ang inalis sa 2021 Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Ibinunyag ni Cavite Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC), na maraming laro o sports events ng Philippine Team ang kinaltas sa listahan na paglalabanan sa biennial meet sa susunod na taon kung saan defending overall champion ang Pilipinas.
Sa naturang games o sports events maraming napalunan ang mga atletang Pinoy para matamo ang overall championship nitong 2019 sa Asian Games na idinaos sa Pilipinas.
Sinabi ni P0C president Abraham “Bambol” Tolentino na siya ay tumanggap ng liham mula sa host Hanoi na naglalahad sa “number of disciplines to be played including centerpiece athletics and aquatics’ swimming and diving as compulsory events”
Kabilang dito ang archery, badminton, 3x3 and 5x5 basketball, billiards and snooker, boxing, canoe-kayak, chess, cycling, dancesport, fencing, football and futsal, golf, gymnastics, aerobic, handball, judo, karate, muay, pencak silat, petanque, rowing, sepak takraw, shooting, table tennis, taekwondo, tennis, indoor and beach volleyball, weightlifting, wrestling at wushu.
Ang iba pang events ay fin swimming, bodybuilding, kurash, kickboxing at vovinam.
Ayon kay Tolentino, wala sa listahan ang arnis, skateboarding, obstacle course, jiujitsu, e-sports, sailing, soft tennis, triathlon, sambo, surfing, wakeboarding, windsurfing, modern pentathlon, baseball, duathlon, rugby, softball and squash, mga larong nagtamo ang Phl athletes ng kabuuang 58 ginto noong 2019.
Magugunitang natamo ng Pilipinas ang overall championship nang magkamit ito ng 149 gold-medal haul. Gayunman, nanganganib na matalo ang bansa dahil sa maraming sports events na tinanggal sa listahan.
Sinabi ni Tolentino na pangulo rin ng PhilCycling, magla-lobby siya para isama ang cycling sa Hanoi games dahil malaki ang tsansa ng PH na makakuha ng maraming medalya sa event na ito.
“We will lobby for those events that we’re strong at like arnis, triathlon,” dagdag ni Rep. Tolentino.
-Bert de Guzman