TINAPOS ng ilang netizens ang showbiz career ni Enzo Pineda dahil ang ama niyang si Party List at I-Pacman Representative Enrico Pineda ay isa sa 70 mambabatas na bumoto na hindi bigyan ng franchise renewal ang ABS-CBN. Malaking isyu ito dahil sa shows ng Kapamilya Network lumalabas si Enzo kahit si Arnold Vegafria ang manager niya.
Para sa netizens, nabalewala ang pakikipaglaban ni Enzo na ma-renew ang franchise ng ABS-CBN, ang pagpo-post sa social media ng “ABS-CBN Deserves a
Franchise” at “Laban Kapamilya” at pagsama sa vigil sa harap ng ABS-CBN, kung magkaiba sila ng paniniwala ng kanyang ama.
Parang hindi raw tumugma ang post niyang “I stand by ABS-CBN. Pagkakaisa... yan po ang kailangan natin ngayon panahon. Buksan po natin an gating mga mata. Hindi po ito ang kalaban...ang kalaban ay hunger, poverty, at itong virus na sumisira sa buhay ng million milyon nating kababayan. Hindi po tayo mananalo sa laban na ito kung hindi tayo magkakaisa.”
Marami rin naman ang dumepensa kay Enzo, magkaiba raw sila ng kanyang ama at granted na kinausap ni Enzo ang dad niya na suportahan ang franchise renewal ng ABS-CBN, ang desisyon pa rin ng kanyang ama ang masusunod.
-Nitz Miralles