Siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte na lalabas ang katotohanan sa insidente ng pamamaril ng mga pulis sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu.

Nangako rin ang Pangulo na maibibigay ang kaukulang hustisya para sa mga naulilang pamilya ng mga nasawi

Sa pagharap ng Pangulo sa mga sundalo sa Camp General Teodulfo Bautista sa Jolo, Sulu nitong Lunes, sinabi niya na sisiguraduhin niyang lalabas ang katotohanan sa pangyayari pabor man sa militar o sa pulis ang kalabasan ng isinasagawang imbestigasyon.

“As your Commander-in-Chief and as President of the Republic of the Philippines, I assure you that I will see to it that the truth will come out be it in favor of the police or the military Ang hinihingi ko lang ang totoong nangyari,” aniya.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

Itinuturing ng Pangulo na isolated incident ang nangyari na sana ay huwag nang umabot pa sa pagkapoot sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa insidente na kung saan, apat na military intel officers ang nalagas mula sa siyam na kagawad ng PNP.

Apat na sundalo ng Philippine Army ang binaril at napatay ng mga pulis sa Jolo, Sulu nitong Hunyo 29 . Ang mga pulis na sangkot sa pamamaril ay isinailalim na sa restrictive custody para humarap sa imbestigasyon ng NBI.

Samantala, naniniwalan si PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa na ang susi para maiwasan ang kahalintulad na insidente sa Jolo ay local coordination.

Ayon pa kay Gamboa, pina-finalized na ng Bord of Inquiry (BOI) team ang kanilang report at saka iprisinta sa kaniya at kay AFP Chief of Staff Gen. Felimon Santos.

Magkakaroon aniya ng joint evaluation ang AFP at PNP kung paano nila ipatutupad ang mga gagawing adjustment.

-Beth Camia at Fer Taboy