AMONG the Kapuso stars ay si Jennylyn Mercado ang walang takot na pumalag sa netizens na natuwa sa pagkasara ng ABS-CBN nitong Hulyo 10.

jen

Nasulat namin dito sa Balita nitong Hulyo 11 ang sinabi ng aktres,“Sa mga lumuha at nawalan, our prayers and hearts are with you.

“Sa mga taong tuwang-tuwa sa mga pangyayari, huwag niyo sana danasin ang lumuha din at mawalan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Hindi ba na tinuruan tayo ng ating mga magulang na maging makatao sa kapwa? Rejoicing because of other people’s sorrow is not only wrong, but inhumane. You are cruel!”

At siyempre pumalag din ang mga nasaktan sa mga pahayag na ito ni Jennylyn kaya sinabihan siya ng sawsawera, pakialamera at shut-up na huwag nang makialam pa sa isyu ng ABS-CBN dahil hindi naman siya belong doon.

Palaban ang alaga ni tita Becky Aguila dahil talagang hindi niya pinalampas ang bashers niya.

“Respecting other people’s opinion is a value you seem to have forgotten,” tweet ni Jennylyn.

Sinagot din niya ang nagsabing, “At the end of the day, ur not Kapamilya star.”

Sagot kaagad ng aktres, “But I am a Filipino and that alone is enough. To be neutral or silent in times of injustice is injustice.

“If being ‘bashed’ is a small price to pay for practicing my right to freedom of speech. Then I am fine with it.”

May patutsada rin ang aktres sa mga kongresistang hinayaang mawalan ng trabaho ang mahigit na 11k employees ng Kapamilya network.

“When the Philippines unemployment rate just recorded an all time high, that’s when the congress decided to terminate a renewal which will cost and additional thousands of people their jobs. Nasan yung logic nun?”

Hindi lang ang 11k employees ang nawalan ng trabaho aniya, “caterers sa set, drivers, equipment rental houses at mga empleyado nila, mga cameraman at tech team, talent managers, mga assistant ng mga artista, talent suppliers, mga talents o bit players, freelance production designers, freelance writers.”

Oo nga, hindi nga ba ito naisip ng 70 kongresistang bumoto na hindi bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN?

-REGGEE BONOAN