Ilang araw matapos hindi mabigyan ng panibagong prangkisa ang Lopez-owned ABS-CBN network, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes na siya ay “very happy” na nabuwag niya ang “oligarchy” sa bansa nang hindi na kinailangang magdeklara ng martial law.
Sa pagbisita niya sa Jolo, Sulu nitong Lunes, nagdeklara ang Pangulo na handa siyang mamatay anumang oras matapos makamit ang ipinangako niya noong kampanya na pababagsakin ang mga oligarch na umaabuso sa sistem at kinokontrol ang political at economic fortunes ng bansa.
Ginawa ni Duterte ang pahayag sa pagbisita niya nitong Lunes sa Jolo, Sulu para makapulong ang mga tropang militar kasunod ng madugong pamamaril sa apat na sundalo ng mga pulis. Ang kanyang taped address ay inilabas sa state television nitong Martes ng umaga.
“Without declaring martial law, sinira ko ‘yung mga tao na humahawak sa ekonomiya at umiipit at hindi nagbabayad. They take advantage sa kanilang political power,” sinabi niya sa harap ng nagtitipong mga tropa sa kampo sa Jolo.
Kaya ako mamatay, mahulog ‘yung eroplano, I am very happy. Alam mo bakit? Sabi ko without declaring martial law, I dismantled the oligarchy that controlled the economy of the Filipino people,” aniya.
Genalyn D. Kabiling