Pinayuhan ni Pangulong Duterte ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na huwag nang sumabak sa pagtakbo sa pagkapangulo maliban na lamang kung hinihimok ito ng kanyang pagkamakabayan at handa na magbigay ng tunay na serbisyo publiko.

Kung ang paupo sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ay “a matter of ambition,” hinikayat ng Pangulo ang anak na huwag nang tangkain na pasukin ito.

“Sinabi ko kay Inday, ‘wag kang mag-presidente unless you see something na kaya mo para gawain mo sa bayan. Pero if it is just a matter of ambition, lay off. Wala ka talagang makuha diyan, pagod lang. Magpunta ka doon sa bukid, kung ano-ano, kung saan-saan ka na lang because of service,” ani Pangulo sa kanyang pagbisita sa Jolo, Sulu nitong Lunes.

-Genalyn D. Kabiling
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20