SA pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, nalimitahan ang serbisyo ng mga bangko, ngunit hindi nagpabaya at patuloy ang arangkada ng micro-financial institutions upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan sa pagkuha ng padalang pera bukod sa iba pang serbisyo para sa agarang pangangailangan.

Kabilang sa tumugon sa panawagan ng sambayanan ang Cebuana Lhuillier, kung saan siniguro ng kompanya na makapagsisilbi ang kanilang mga sangay sa iba’t ibang lugar sa Manila ang karatig lalawigan sa agarang cash na kailangan ng mga mamamayan na pansamantalang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

“It was very challenging just to ensure that we have as many branches open as possible. After putting safety protocols in place for both our front-liners and our clients, we were able to continue our services, with only a small number of branches severely hampered,” pahayag ni Jean Henri Lhuillier, president at CEO ng Cebuana Lhuillier.

Sa nakalipas na tatlong buwan na pakikibaka sa community quarantine, siniguro ng kumpanya ang serbisyo na hindi nakaligtaan ang pagtalima sa ipinapatuypad na safety at health protocol ng pamahalaan.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa anumang sitwasyon at sa kagipitan, asahan na bukas sa pagkatok ng sambayanan ang pintuan ng Cebuana Lhuillier.