Sa unang pagkakataon nasilayan si US President Donald Trump na nakasuot ng face mask, isang pagsunod sa matinding panggigipit upang maging public health example, habang patuloy na tumataas ang kaso ng coronavirus sa America.

FIRST TIME Nagsuot ng mask si US President Donald Trump sa kanyang pagbisita sa Walter Reed National Military Medical Center sa Bethesda, Maryland nitong Hulyo 11.

FIRST TIME Nagsuot ng mask si US President Donald Trump sa kanyang pagbisita sa Walter Reed National Military Medical Center sa Bethesda, Maryland nitong Hulyo 11.

Bumisita ang US leader sa Walter Reed military hospital sa labas ng Washington upang makipagkita sa mga sugatang beterano.

“I’ve never been against masks but I do believe they have a time and a place,” pahayag ni Trump habang paalis ng White House.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Una nang nabalita na nagmakaawa na ang aides ni Trump na magsuot ito ng mask at payagang makuhanan ng retrato.

Sa huling tala, mahigit 135,000 tao sa US ang namatay dulot ng virus.

AFP