MAGKATUWANG na inilunsad ng mga kumpanya, negosyo, at mga miyembro ng pribadong sektor ang programang ‘Buyanihan’ nitong Biyernes ng gabi bilang suporta sa kampanyang “Buy Local, Go Lokal” ng Department of Trade Industry (DTI).

Pinasimulan ng Association of Filipino Franchisers, Inc. (AFFI), isinusulong ng programa ang pagtangkilik ng mga lokal na produkto at serbisyo upang makatulong sa mga micro, small at enterprises (MSMEs) sa bansa na makaahon ang kanilang mga negosyo sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang talumpati, sa naging paglulunsad ng ‘Buyanihan’, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na ang pagsusulong ng pagbili ng mga lokal na produkto at serbisyo ay magpapataas at magpapaunlad sa kumpiyansa ng mga konsumer habang unti-unti nang binubuksan ang ekonomiya ng bansa.

“The Buyanihan, initiated by AFFI, is a very good program. It really urges Filipinos to boost the Philippine economy through the massive campaign of ‘buy local’ campaign as a united effort to save the Philippine economy,” pahayag Lopez.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Bukod sa AFFI at DTI, ang ‘Buyanihan’ ay inorganisa ng Go Negosyo, SM Super Malls, Globe My Business, PLDT KaAsenso, Security Bank, Union Bank, Sea Oil, at Farmacia ni Dok, na suportado ng Philippine Association of National Advertisers (PANA) at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

“It’s an effort to help us bring to a better normal, not only a new normal but really to strengthen our MSMEs in the better normal towards a more inclusive and brighter future for all Filipinos,”dagdag pa ng kalihim.

Sa naturang virtual event, binigyang-diin naman ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion ang pangangailangan na maibalik ang kumpiyansa ng mga konsumer sa gitna ng pandemya upang maisalba ang kabuhayan ng mga Pilipinong negosyante at ang trabahong nililikha nito.

Dagdag pa niya, mapasisigla rin ng kampanya ang kumpiyansa ng mga Pilipinong MSMEs.

“We have been working very hard how to save, not only lives of people but jobs and livelihood of MSMEs,”ani Concepcion. “This project that you’ve launched gives very important hope despite all the odds we face as (a) nation, as entrepreneurs. We never give up.”

Dagdag pa niya ang mga kumpanya mismo ang nagsulong para sa rapid test kits (RTKs) sa COVID-19 nang nakita nilang mababa ang reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) testing capacity.

Sa ilalim ng Project ARK (antibody rapid test kits), sa pangunguna ni Concepcion, gumamit ang mga kumpanya ng RTKs upang masuri ang kanilang mga empleyado at matukoy ang positibo sa COVID-19.

“For us to run our respective businesses and bring bank consumer confidence in the marketplace, it is important for us to create visibility that we are in control of the health situation in the Philippines. Testing is the only way we can create visibility,”dagdag pa nito.

“Supporting our MSMEs in buying their products is very important but as equally important as consumer confidence so that we have the situation under control.”

Samantala, bilang suporta sa ‘Buyanihan’ campaign, naglunsad naman ang mang-aawit na si Gary Valenciano ng the ‘Buyanihan’ music video para sa Pinoy MSMEs.

PNA