MASAMA ang loob ng ilang Kapamilya staff kay Quezon City 5th District Representative, Alfred Vargas dahil nagpaka-safe siya sa naganap na botohan sa prangkisa ng ABS-CBN.

alfred

Hindi kasi bumoto ang kongresista at ang katwiran niya ay conflict of interest.

“My heart goes to ABS-CBN, its employees, and other workers whose livelihood depends on the network.

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

“This representation, as an actor or producer, has been engaged for projects with the network. Thus, out of propriety and as dictated by law, I am duty bound to inhibit myself from voting on the application for franchise renewal,” paliwanag ni Cong. Alfred.

Hindi naman itinatwa ng kongresista na ang ABS-CBN ang naka-diskubre sa kanya, partikular si Mr. Johnny Manahan, kasama siya sa Star Circle batch 10 at isinama pa siya sa programang Pangako sa ‘Yo bilang love triangle nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

Hanggang sa lumipat na si Alfred sa GMA at dito umingay nang husto ang pangalan niya dahil sa Encantadia taong 2005 hanggang sa nagkasunud-sunod na ang programa niya at ngayo’y producer na.

May ilang nakausap kaming Kapamilya tungkol sap ag-inhibit ni Cong. Alfred, “anong katwiran ‘yun? Wala siyang paninindigan. Mas okay pa sana na bumoto siya ng YES at least may stand siya kung ayaw niyang pumabor sa bagong prangkisa. Mas papalakpakan ko pa ‘yung 70 na hindi pumabor sa ABS kesa sa kanya.”

At nabanggit ding, “huling termino na pala niya bilang kongresista sana man lang nag-iwan siya ng impresyon sa kapwa niya artista o nakasama niya sa industriya.”

Anyway, kami rin ay nagtataka na bakit nabago ang desisyon ni Cong. Alfred dahil nu’ng huli namin siyang nakausap sa mediacon ng Tagpuan na entry sa 2020 Metro Manila Summer Film Festival ay sinabi niyang pabor siyang bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

At ang mga kasama ni Alfred sa Tagpuan ay pawang Kapamilya stars na sina Iza Calzado at Shaina Magdayao.

Anong nangyari po, Cong Alfred?

-REGGEE BONOAN