Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na aabot na sa kabuuang 78,809 overseas Filipino workers (OFWs) ang pinauwi na ng pamahalaan mula nang simulan nito ang repatriation efforts dahil sa pagkalat ng coronavirus disease nitong nakaraang Pebrero.

Nilinaw ng DFA, kabilang sa mga ito ang naayudahang makauwi ng bansa ang kabuuang 10,369 OFWs na galing sa iba’t ibang rehiyon sa buong mundo.

Sa naturang bilang, nasa 47.16 % ay sea-based at 52.84 porsiyento naman sa land-based, na karamihan sa mga repatriates ay nanggaling sa France, Netherlands, Qatar, Saudi Arabia, UAE, USA, at Vietnam nito lamang Sabado.

Patuloy pang inaayos ng DFA ang maraming flights mula sa Middle East upang mapauwi ang mahigit dalawang milyon pang Pinoy workers.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ngayong linggo,napauwi sa bansa ng ahensiya ang 6,681 Pinoy galing sa naturang rehiyon matapos ayusin ng DFA ang siyam na flights mula sa UAE, pitong flights sa Saudi Arabia,tatlong flights sa Qatar, dalawa sa Bahrain, at isa naman sa Kuwait.

-Bella Gamotea