Nasa P5 milyon ang inilabas na ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga locally-stranded individual, partikular na ang mga nasa Metro Manila at mga kalapit na lugar.

Ito ang inihayag ni DSWD Director Irene Dumlao at sinabing bukod sa pinansyal na ayuda, namimigay din ng food packs ang DSWD sa mga stranded na indibidwal bunsod ng coronavirus disease 2019 pandemic.

Sa isang public briefing, binanggit ni Dumlao na tumutulong din ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan sa profiling ng LSIs bukod sa pamamahagi ng food at non-food items.

Sa katunayan aniya, kamakalawa ay namigay ng financial assistance ang DSWD sa 300 LSIs sa Baclaran, Parañaque City habang nitong Sabado ay may tinutulungan silang 400 LSIs sa Calamba, Laguna.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

-Beth Camia