Iginiit ng isang opisyal ng pamahalaan na dapat ay nasa quarantine facility at hind naka-home quarantine ang mga indibidwal na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) para maiwasan ang pagkahawa ng virus sa iba pang taong nasa loob ng kanilang tahanan.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, kung dati ay home quarantine ang kautusan ng gobyerno sa mga pasyente na dinapuan ng virus ay hindi na ito ngayon iminumungkahi.

“We are now discouraging ‘yung tinatawag na mag-home quarantine. Dapat facility quarantine na,” pahayag ni Nograles.

“So we’re now shifting na kung mahawa, kahit asymptomatic, mas bibigyan ng priority na doon mag-facility quarantine. Anyway, marami pa naman tayong mga facilities na maka-accommodate ng mga mild cases,” aniya.

Probinsya

Bangkay ng isang lalaki natagpuang lumulutang sa ilog

“’Yun ang ating mas ifo-focus ngayon na hindi na masyado doon sa home quarantine. Kung merong mga cases, dapat facility quarantine na sila,” pagdidiin pa nito.

Nitong Hulyo 11 ay naitala na ang 54,222 kaso ng COVID-19 habang 14,037 ang nakarekober, at 1,372 naman ang namatay.

“Whether GCQ (general community quarantine) ka, MGCQ (modified general community quarantine) ka, nandiyan pa rin ‘yung virus. Kaya kailangan laging mag-ingat,” ayon pa sa opisyal.

-Beth Camia