Nagbabala ang isang senador sa posibiidad na manatili pa rin ang coronavirus disease (COVID-19) sa bansa kahit na may makita ng bakuna at magiging katulad na lamang ito ng mga pangkaraniwang sakit sa buong mundo.

Binigyang-diin ni Senador Richard Gordon, dapat itong paghandaan ng pamahalaan na dapat ding magkaroon ng plano upang makontrol ang paglaganap nito dahil magiging katulad na lamang ito ng mga sakit na may lunas pero patuloy pa rin ang pananalanta.

“Unang-una, kailangan meron tayong grand plan on how we are going to quell COVID. And that’s gonna be here, anywhere from this year to another four years. Maaari, kasi hindi aalis ‘yan. Kahit na may vaccine na ‘yan, parang flu ‘yan, parang pneumonia, kahit meron kang vaccine, meron pa rin. Pero kahit umabot ng four years, two years o three years, dapat my policy tayo diyan, ano ang gagawin natin para ma-combat ‘yan?” pagtatanong ng senador.

“Testing is the key to reviving our economy. ‘Yung makakapagtrabaho, i-test natin, pero siguraduhin pa rin ang kanilang kaligtasan, ‘yung mga sasakyan nilang bus, merong proper social distancing, saka proper mask na palaging dapat isuot at palaging paghuhugas ng kamay, lahat ng mga gusali ay palaging may soap and water para palaging makapaghugas ang tao,” dagdag pa nito.

Probinsya

Binatilyong hiniwalayan umano ng jowa, nagpatiwakal!

-Leonel Abasola